PLAYMATE
Isinulat ni: Vita Julii
Note: I wrote the story below in the second half of 2015 (~around the 4th week of July) as entry for a Horror Short Story Contest organized by Librong Itim. Obviously, I did not win but I'm still so happy that I was able to write Playmate. Even though it's only 2,000 words, I still felt so accomplished particularly that I wrote a story under a genre that I really disliked. So thank you for reading. Any constructive criticisms are always welcome so feel free to express your opinion. You can also read this story in Wattpad.
Paika-ikang binaybay ni Gwen
Viola ang kahabaan ng Gaia Hall. Bagaman
pinagpapawisan na ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Ipinagdarasal niyang sana’y
walang estudyanteng makakita sa kanya.
Alam niyang bibigyan na naman siya ng bagong palayaw ng mga ito kapag
nakita siya sa ganoong estado.
Miss Cutter ang kasalukuyang
palayaw niya mula nang malaman ng mga kaeskwela na pinagtangkaan niya ang
sariling buhay noong nakaraang taon. At
hindi na niya gustong madagdagan pa ang palayaw. Kahit sinasalakay ng kirot ang
paa at hinihingal na ay binilisan niya ang paglalakad.
Sa wakas ay nakarating din
siya sa destinasyon, ang mango orchard ng Briarcrest Academy. Iyon ang
pinakatahimik ng bahagi ng paaralan. Kapag maagang natatapos ang klase niya ay
sa orchard o mas tamang sabihin, sa lumang balon na nasa pinakagitna ng huli, siya
madalas magpalipas ng oras hanggang sa dumating ang sundo niya.
Noong una ay nungkang
pupunta siya sa orchard na wala siyang kasama.
Ang sabi ng mga dating estudyante ay may sumpang nakapalibot sa orchard
at balon. Kapag sumasapit daw ang madaling araw ay bigla na lamang namumunga
ang mga tanim na mangga gayong sinabi na ng mga eksperto na tigang na ang mga
ito. At ang mas malala pa ay umaapaw minsan ang tubig sa lumang balon kahit
hindi na ito gumagana at sa panahon pa ng tagtuyot. Hindi pa niya nakukumpirma kung totoo nga ang
mga kwento.
Ganoon na lamang ang
pagsimangot ni Gwen nang mula sa bungad ng orchard ay matanaw niya ang isang
pamilyar na pigura ng lalaki na nakaupo sa bunganga ng balon. That
guy again. Una sila nitong nagkita
may tatlong linggo na ang nakakaraan.
Hindi ito nagpakilala pero lagi siya nitong niyayayang maglaro ng Trust
Game sa ibabaw ng bunganga ng balon.
Bahagya lang siya nitong
sinulyapan nang makitang papalapit na siya. Katulad ng mga nagdaang araw ay
nakasuot ito ng uniporme ng Briarcrest Academy na pinatungan ng makapal na
jacket. Hindi niya alam kung papaano
nito natitiis ang init ng panahon.
Hindi pinansin ni Gwen ang
lalaki at naupo rin sa bunganga ng balon pero malayo rito. She didn’t want to talk to him or to everyone
for that matter. Inilagay niya sa tabi
ang mga hawak na libro maliban sa isa. Nagsisimula pa lang niyang buklatin ang
babasahing libro nang magsalita ang lalaki.
“American Psycho by Bret
Easton Ellis. Gusto mo talagang
pahirapan ang sarili mo, ano? Nagustuhan mo ba ang nangyari kagabi?”
Hindi napigilan ni Gwen ang
mapasinghap sa narinig. Napahigpit ang
pagkakahawak niya sa libro habang unti-unting nagsalimbayan sa isipan ang mga
nangyari kagabi.. Hindi niya namalayang nagtayuan na ang mga balahibo niya at biglang-bigla nalang ay ibig niyang
maduwal.
“Why can’t just people leave
me alone?” Gwen said in a shaking voice that was full of rage. Mabilis siyang tumayo para lamang mapaigik sa
kirot na sumalakay sa buong katawan niya. Muli siyang bumagsak sa lupa.
Napapikit siya sa sakit. “I hope I was dead,” ungol niya sa mahinang boses at
bago pa niya namalayan ay namalisbis na ang mga luha sa kanyang pisngi.
Nagulat pa si Gwen nang
nakaupo na sa harap niya ang lalaki nakatitig sa kulay-kape nitong mga mata. He was cradling her face gently though his
eyes looked troubled and were full of fury.
For a fleeting moment, she though that that blood was gushing out from
his eye sockets. Gustong matilihan ni Gwen sa nakita subalit biglang nagpreno
ang isipan niya. Gayunpaman ay tinabig
pa rin niya ang kamay nitong di niya maintindihan kung bakit wala man lang
bahid ng init.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga
nito bago pabagsak na naupo sa lupa paharap sa kanya. “Hindi ba’t sinabi ko na
sa iyong kung ayaw mo akong ituring na kaibigan ay isipin mo na lang akong
isang diary? Na handa akong tumulong—“
“Huwag mo nga akong
patawanin! How can you possibly help?!”
marahas na putol ni Gwen sa iba pang sasabihin nito. She angrily wiped the tears on her face with
the back of her hand. Umusod siya palayo
sa lalaki at akmang tatayo na sana nang bigla siya nitong hilahin at yakapin ng
mahigpit.
Pinigil ni Gwen ang
mapasigaw bagaman ang mga kamay niya ay nagsumikap para itulak ito. Warning bells started ringing in her ears.
She shook her head frantically as her mind shouted: No! No! Not again!
“Ssssh… Remember to think of
me when you’re in hell again, Guinevere Viola,” sabi ng lalaki sa
pinakamahinang boses na hindi malaman ni Gwen kung narinig niya ba talaga ang
mga katagang iyon. Bago pa siya muling
makapanlaban ay binitiwan na siya nito at nagmamadaling tumayo. When Gwen looked up, the guy was already
nowhere in sight. Sa hindi malaman na
dahilan ay bigla na lamang nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan.
Kahit na nang makauwi sa
malaking mansion na pag-aari ng ama-amahan ay hindi pa rin mapalagay si Gwen sa mga nangyari sa balon.
Nahinto lamang siya sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto
niya. Awtomatiko siyang napatuwid ng upo. Binalaan na siya ng ina kanina na may
kasamang bisita ang amain at magbabayad siya kung may gagawin siyang hindi
maganda. Inignora niya ang malakas na pagkabog ng dibdib.
Bumukas ang pintuan at buhat
doon ay iniluwa ang dalawang tao. Ang
isa ay ang ama-amahan niyang si Teodoro Torento na biglang napangisi nang
makita ang suot niya. Katulad ng sinabi
ng ina ay may kasama ito. Isang matabang lalaki. Sinuyod rin siya ng huli ng tingin at
napatango-tango na tila nasiyahan sa nakita.
Mabilis siyang nilapitan ng
amain. Katulad ng dati ay pinatay ni Gwen ang lahat ng mga emosyong pwedeng
maramdaman at naupo na tila estatwa. This
body is only a shell...For Marietta… Habang binibigkas ng isipan niya ang
mga katagang iyon ay dahan-dahan namang hinuhubad ng amain ang suot niyang
pantulog.
Gwen stayed still even when
she wanted to puke at what her stepfather is doing. Humihingal na ang amain niya sa pagnanasa.
Siya naman ay patuloy pa rin sa pagbigkas ng mga kataga sa isipan kahit
nakikita na niyang nagsimulang hubarin ng bisita ang kasuotan nito. For
Marietta…Remember to think of me when you’re—“
Hindi pa man natatapos ni
Gwen na isipin ang sinabi ng lalaki sa balon ay bigla siyang nakarinig ng
malakas na sigaw. Magkasabay pa silang
napaigtad ng amain nang makitang tila kinakapos ng hininga ang matabang
bisita. Sapu-sapo nito ang sariling
dibdib at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Ang mga mata nito’y punung-puno ng takot.
“K-kalaro…g-gusto…”putol-putol
nitong sabi habang ang isang kamay na nakadaklot sa dibdib ay dahan-dahang
tumaas patungo sa bibig nito. Ganoon na lamang ang pag-iling at pagtikom nito
ng bunganga nang magsimulang pumasok ang kamay nito sa loob ng sariling
bibig. At bago pa may makahuma sa
kanilang tatlo ay biglang hinila ng bisita ang sarili nitong dila. Agad ang pagpulandit ng dugo mula sa loob ng
bibig nito at tumagas iyon na parang gripo pababa sa mataba nitong katawan.
Naparalisa si Gwen sa
nasaksihan. Ang amain naman niya’y
marahas na napahugot ng hininga at tulad niya’y hindi rin makagalaw sa tila
bangungot na eksenang nakikita.
Ang bisita ay unti-unti
nalugmok sa kinatatayuan nito. Kasabay
ng tuluyan nitong pagkalugmok ay ang pagkawala rin ng malay ni Gwen.
Nang gabing iyon ay di
malaman ni Gwen kung bakit bigla na lamang siyang nagising sa isang
napakamadilim na lugar. Ang hindi niya
lang maintindihan ay kung bakit malinaw pa rin niyang nakikita ang
kapaligiran. She’s standing inside of a
very narrow tunnel. And the soles of her feet felt sore. Napayuko siya at nakitang pinaghalong mga
kalansay ng kung anumang hayop o tao at mga bato ang inaapakan niya. For some reason, that realization didn’t
bother her. In fact, she felt at peace
in this place like it’s natural for her to be here.
Mula sa kung saan ay bigla
na lamang lumitaw ang isang malaking salamin sa harap niya. Sa halip na
repleksyon ay ang pinaiksing bersyon ng sariling buhay ang nakita roon. Gwen
sucked in a breath when the image on the mirror changed. It was now a reflection of her but more
beautiful self. Gumalaw ang bunganga
nito.
“Gusto mo bang maglaro
tayo?” tanong nito sa masayang tinig. Tumango si Gwen. Marami pa itong sinabi at mga
tango lang ang isinagot niya. Ngumiti
ang repleksyon niya at sa isang
kisap-mata’y nahanap na lamang niya ang sariling nakatayo sa tabi ng balon.
Malapit sa paanan niya ay ang natutulog na amain.
Sa halip na lukubin ang
pagkatao ni Gwen ng pagkamuhi ay nakaramdam siya ng awa at pagkamangha nang
makita ang taong sumagip sa kanila mula sa kahirapan. Oras na para makawala ito sa mala-impyerno
nitong buhay. Itinaas niya ang mga kamay at naaaliw na tiningnan ang pagtaas ng
bawat kuko sa kanyang mga daliri .
Kapagkuwa’y lumuhod siya sa tabi ng amain at walang sabi-sabing dinaklot
ang dibdib nito. Bumukas ang mga mata ng huli subalit kung anuman ang reaksyon
nito ay wala ng makakaalam pa dahil marahas na niyang hinila ang puso nito.
Hindi niya binigyang pansin ang dugong pumulandit sa mukha niya.
Gwen stared at the heart
with curiosity. Inilapit niya iyon sa bibig at akmang titikman na nang biglang
makarinig siya ng malakas na sigaw.
Biglang binaha ng liwanag ang buong paligid kaya sandali siyang
napapikit. Nang muli niyang imulat ang
mga mata ay nag-iba na ang kapaligiran niya. Nawala na ang balon at ang mga
punong-mangga. Sa halip ay isang
pamilyar na kwarto ang bumulaga sa kanyang paningin. Ang sarili niyang kwarto!
Napatingin si Gwen sa sarili. Hindi niya mapigilang mapahumindig sa
nakita. Naliligo siya sa dugo habang ang
kanang kamay ay hawak-hawak ang… puso ba iyon? Wala sa sariling lumipat ang mga
mata niya sa duguan at wala ng buhay na bangkay na nasa tabi niya. Ang dibdib
nito’y wakwak mula sa saksak ng kutsilyo na hindi niya alam kung saan
nanggaling. Ang mga mata ng amain ay
dilat na dilat habang nakatitig sa kanya.
Nahihintakutang nagpalipat-lipat
ang tingin ni Gwen sa amain at sa puso nito.
Siya ba ang pumaslang sa matanda? That couldn’t be! Paano na ang
pagpapagamot ng kapatid niya? Teodoro
Torento couldn’t die just like this!
But it’s really his corpse and she, Gwen Viola, is covered with his
blood.
Nanlamig si Gwen habang
unti-unting tumimo sa isipan ang nagawa.
Ni hindi na rumehistro sa pandinig niya ang walang-humpay na pagsigaw ng
ina sa pintuan. Pakiramdam niya’y nasa
ibang dimensyon siya sa mga oras na iyon. Nagpailing-iling siya at tila napasong nabitiwan
niya ang puso ng amain. I need to think.
Kahit hindi malaman ang
gagawin ay ang mga paa na ni Gwen ang nagdesisyon para sa kanya. Tumakbo siya nang tumakbo at kahit nahahapo
na’y hindi siya tumigil. Hindi niya alam
kung ilang minuto o oras na siyang tumatakbo pero nahanap na lamang niya ang
sariling nakatayo may ilang hakbang mula
sa balon.
Gwen was still panting when
she saw him. Napangiti ang lalaki pagkakita sa kanya.
“Magaling at ikaw ang panalo sa laro natin. Heto ang premyo ko,” wika nito at
inilahad ang kamay sa buong kapaligiran.
Noon lang napagtanto ni Gwen
na ang mga punong-mangga sa palibot ay hitik na hitik sa mga bunga at nang
tingnan niya ang balon ay may umaapaw na tubig mula roon. The flowing water looked
ominous yet beautiful that she can’t help but walk towards the well like a
hypnotized person.
“Sino ka?” pabulong niyang
tanong sa lalaki sa nanginig na boses.
“Your playmate…” pabulong
ding sagot ng lalaki. Kung paano itong tahimik na nakalapit sa kanya ay hindi
niya alam.
“Will you be my playmate
forever?” the guy asked in the merest of whispers. He sounded hopeful.
Napatingin si Gwen
dito. His eyes looked different, they
finally looked peaceful. Inilahad nito ang isang kamay sa kanya
.
Napatitig si Gwen sa
nakalahad na kamay at marahang tumango.
Hindi siya sumusuko pero ang sinasabi ng puso niya’y hindi ito ang
landas na gusto niyang tahakin.
Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ng lalaki at nakangiting tiningnan
ang balon.
Here’s to a new life.
~Vita Julii
No comments:
Post a Comment